Isa.. Isang beses lang ako magmahal ng sobra Dalawa.. Dalawang hakbang lamang na pagtalikod sa pagmamahalan natin ay hinihila ulit ako pabalik ng aking pusong ayaw bumitaw Tatlo.. Tatlong matatamis na salita ang palaging naririnig ko dati na ngayon ay nagpapaluha sa mga mata ko Apat.. Pang-apat ka sa mga naging girlfriend ko pero ikaw lang yung natatanging minahal ko na inakala kong may apat o 4 na forever na sa buhay ko Lima.. Limang letra ang ginamit nating tawag sa isa't-isa na hanggang ngayon ay hindi ko maisip kung magagamit ko pa sa iba Anim.. Anim na buwan lang yung tinagal ng pag-iibigan natin Pito.. Hugis pito yung kandila para sa cake na surprise ko sayo para sa monthsary natin pero nung nag online ka, ibang menhase ang natanggap ko Walo.. Higit sa walong beses kong binasa ang mensahe mo sakin kasi di ko maintindihan, hindi ko maintindihan kung bakit kinailangan kong masaktan Siyam.. Halos siyam na libong milya ang layo natin sa isa't isa ngunit naram...
Posts
Showing posts from September, 2017