Posts

Showing posts from March, 2018
Kailan ba malalaman na sawa na ang puso? Kapag ba di na ito tumibok at maging bato? Kailan ba masasabing wala nang nararamdaman? Kapag ba ang lahat ng pinagsamahan ay tuluyan nang nalimutan? Pilit ko mang itago Pilit ko mang itanggi Pilit ko mang iwasan Pilit ko mang kalimutan Pilit ko man pigilan... Pilitin ko mang kalimutan na bukas ay sisikat pang muli ang araw... Pilitin ko mang itanggi na wala na ang tamis na nararamdaman... Pilitin ko mang itago ang nag aapoy na ninanais ng puso... Pilitin ko mang iwasang titigan ang mga talang nagturo sakin na mangarap at nagbigay ng kasiyahan... Pilitin ko mang pigilan at sabihing wag na lang.. Hindi. Hindi ko kaya. Mahirap. Mahirap na wala ka. Masakit. Masakit pero aking kinakaya. Puso ko'y nangungulila Pilit na hinahanap ka... :'(