Lilipad Tayo
Dahil hindi ka nawawala sa isip ko elepante, ito para sayo:
Ngumiti ka lang at kumpleto na ang araw ko
Kumikislap na mga mata mo'y tanaw ko sa malayo
Liwanag ay iyong dala sa dating madilim na buhay ko
Nagbibigay ningning sa mundo ng aking pagkatao
Isa kang anghel na pinadala mula sa langit
Upang ipaalala sa akin na ang buhay ay hindi lamang mapapait
Kundi tamis din na tulad ng isang hinog na mangga
At kending nagpapasaya sa mumunting mga bata
Tayo na at lumipad sa mundong ibabaw
Pag-ibig na natagpuan ko sa iyo'y umaapaw
Ilipad mo ako sa hanging nag-aalis ng mga pangamba
At tayo'y magpapadala sa agos ng ating tadhana
Titig mong tumutunaw sa pader ng aking pagkabahala
Tulad ng sinag ng araw na tumama sa nyebeng dambuhala
Ika'y isang yerong nagpoprotekta sa akin
Sa tuwing inuulan ako ng aking mga suliranin
Pakiramdam ko'y nakakita ng isang diyamante
Mula sa bundok na puno ng mga nananakot na higante
Wari ko'y ano ba ang dahilang ng aking pagiging maswerte
At binigay ka sa akin ng wala man lang pasabi
Giliw ko, sa itaas ako ay nagpapasalamat
At binigay ka bilang isang regalong sa akin ay sapat
Wala na akong mahihiling pa sa lubos na biyaya
Kundi ang dumating ang bukas na ika'y makasama
-ACM-