Posts

Showing posts from April, 2017
Bawat araw at gabing dumaraan, di ko maiwasang balikan ang mga masasayang alaalang pinagsaluhan natin sa maikli ngunit mahabang panahong hinding hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Mula sa kung paano at saan tayo nagkilala. Doon nakilala ng isang simpleng ako ang isang prinsesang tulad mo, na sa unang tingin ko ay nabihag kaagad ang puso ko, isang diwatang nagbuga ng paro-paro sa paligid ko at mula sa tiyan ko, na nagbigay ng hindi ordinaryong karanasan at kasiyahan sa buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang kakulitan natin noon, may asaran, may tuksuhan, ngunit higit sa lahat, may tawa at kilig na walang katulad at hindi maikukumpara. Tahimik ang mundo ko nun at simple ngunit nang dumating ka, naging espesyal at nagkaroon ng kulay, nagkaroon ng kahulugan ang bawat gising ko sa bagong umaga, nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko na dati ay nagpapadala lamang ako sa daloy ng tadhanda, natuto akong mangarap dahil sayo, nakita ko ng malinaw ang direksyong gusto kong tahakin. Yun a...
Sabi nila kung mahal mo, ipaglaban mo. Pero di nya ako ipinaglaban. Di nya na ba ako mahal? Ang alam ko kasi mahal niya ako o baka ako nalang yung umaasa. Baka hindi ako karapat-dapat ipaglaban. Sabi nila kung mahal mo, palayain mo. Pinalaya namin ang isa't-isa, baka nga sobrang mahal ko siya at mahal niya ako. O baka hindi na talaga niya ako mahal kaya papalayain na lang. Katulad ng isang ibong inalagaan at minahal ngunit paglipas ng panahon ay kailangan nang palayain mula sa hawlang pinuno ng pagmamahal. Pero mahal ko siya. Pinalaya ko kasi gusto niya. Ayokong ipilit ang sarili ko sa isang taong itinataboy ako o ramdam kong hindi ako ang kailangan niya. Pero mahal ko parin siya. Kailan ba dapat magmahal na di mo kailangang palayain sya o di mo sya kailangang ipaglaban kasi siya mismo ang lalaban para sayo? Kailan ba dapat magmahal para masabi mong nakaayon ang oras,lugar,panahon at pagkakataon? Baka nga hindi lang talaga sapat ang salitang "mahal kita" hindi sap...
Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nakakalimot tayo. Nakakalimot tayo na wala na palang "kayo" dahil umaasa ka pa rin na darating ang araw na magsasama kayo habambuhay. Bawat gising ko sa umaga ay siya agad ang aking naiisip, titingnan kaagad ang phone kung may iniwan ba siyang mensahe para sayo pero kung wala, mapapasabi ka ulit na "ahy oo nga, wala na pala kami". Minsan talaga mahirap tanggapin ang katotohanan lalo't ayaw sumuko ng puso mong mahalin siya. Minsan kahit mismo ang utak mo ay pilit nililimot ang masakit na katotohanan dahil sa paniniwala mong mahal ka niya at ikaw lang ang mamahalin niya. Hindi ko alam kailan susuko. Hindi ko alam hanggang kailan ko matatanggap na ang dating mundong binuo nyo ay wala na. Ang dating mga nakagawian mo sa paggising at bago matulog ay hindi na katulad ng dati. Hindi ko alam kailan ako aalis sa makulay na mundong kaming dalawa mismo ang nagbigay kulay. Hindi ko alam kailan titigil sa biyahe papuntang ...