Bukas

Bukas magsisimula lahat
Bukas unti unting matutupad
Mga pangarap nating dalawa
Pangarap ko na makasama ka

Bukas gagandang lalo ang sikat ng araw
Bukas iisipin ko na lamang ay ikaw
Bukas di na tayo mangungulila sa isa't-isa
Pagkat bukas, umaga, hapon, gabi kapiling ka

Bukas mas lalong sasarap ang tulog ko
Bukas mas lalong gaganda ang gising ko
Sapagkat bago ko ipikit ang aking mga mata
At sa bawat pagmulat, ikaw ang una at huling nakikita

Bukas masisilayan din natin ang araw at buwan na nakangiti
Kasabay ng puso nating ginagaya ang tuwa sa ating mga labi
Bukas mapupuno ng mga bulaklak ang hardin
Pupunuin ng kulay ng pag-ibig na ating itinanim

Bukas ay walang hanggan
Ika'y aking masisilayan
Bukas na walang katapusang bukas
Ika'y mamahalin na walang kupas

-ACM-
 



Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo