Gusto Kong Malaman
Kahanga-hangang isipin kung paano mo ako nakuha
Sa tuwing ika'y lumalapit, ako'y nanghihina
Walang sinuman sa'kin dati nito ay nakagawa
Halik mo sa labi ko'y inuubos ang aking hininga
Gusto kong malaman ano ang nagpapalakas sayo
Nang gawin ko ang mga iyon o mas higitan pa
Gusto kong malaman ano ang nagpapaiyak sayo
Upang ako ang magpipinta ng ngiti sa iyong mukha
Hindi niya naintindihan ang iyong halaga
At hindi siya gumawa ng paraan para kayo'y maging masaya
Ako'y isang taong nagpapakita ng pag-aalala
Kaya't sabihin mo sa'kin ano aking magagawa
Sabihin mo sa akin paano kita mapapaamo
Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko
Sapagkat gusto ko lang ay mapasaya ang taong mahal ko
Mula sa kinailaliman ng aking puso ito ay totoo
Sana'y malakbay ko ang iyong isipan
Upang malaman ko ang tinatago mong nararamdaman
Naniniwala akong may pag-ibig kang gustong ibahagi
Aalagaan kita, wag ka lang matakot sa akin
Sariling pagsalin mula sa kantang "I wanna know" ni JOE. Para sa aking mahal, KCM.
-ACM-