Mga Pangarap Ko Mula Nang Dumating Ka


Naging simple at dumami ang pangarap ko dahil sayo, KCM.


Kahit na may mata ako,
kahit malinaw at kumpleto,
pangarap kong magamit ito upang makita kita mismo.

Kahit na kumpleto ang kamay ko,
nakakahawak ng kung ano-ano,
pangarap ko na mahawakan ang mukha mo.

Kahit na may ilong ako
naaamoy ang mga pabango,
pangarap ko na magamit ito upang maamoy ang buhok mo.
 
Kahit na may bibig ako,
nasasabi ang kahit na anong nais kong sabihin,
pangarap kong magamit ito para mabigkas ang mga salitang
"mahal kita" at "mahalaga ka sa buhay ko" sa harap mo.

Kahit na may paa ako,
kumpleto at nakakalakad ng deretso,
pangarap kong magamit ang mga ito
upang ihatid ka sa simbahan at sa bahay ko na magiging bahay mo.

Kahit na may tenga ako,
nakakarinig ng kahit na anong musika at salita mula sa ibang tao,
pangarap kong magamit ang mga ito
upang marinig ang boses at tawa mo.


Ilan pang mga Pangarap ko:

matikman ang luto mo
makatabi ka sa pagtulog
kumain kasabay ka
manood ng TV/Movies, sabay tayong iiyak at tatawa
makinig ng mga music kasama ka
magbayad ng mga bills kasama ka
mag-alaga ng aso kasama ka
bumili ng kahit na ano kasama ka
magsimba kasama ka
mamasyal at magpunta kahit saan kasama ka
umakyat sa bundok kasama ka
mag-birthday kasama ka
mag-valentines day kasama ka
mag-christmas kasama ka
mag-tatatalon sa new year kasama ka
magkasakit na ikaw ang mag-aalaga
magkasipon na sa damit mo ako sisinga
mabasa at maligo sa ulan kasama ka
pawisan sa paglilinis ng bahay kasama ka
magluto ng kahit na ano para sayo
mag-toothbrush kasabay ka
maghanda ng pagkain sa plato mo
maglagay ng tubig sa baso mo
kumanta sa videoke kasama ka
mag family reunion kasama ka
maglaro tayo ng table-tennis at badminton
maligo sa dagat kasama ka
lumangoy kasama ka
sumakay ng kahit ano katabi ka
pumuti ang buhok kasama ka
maging Senior Citizen kasama ka
tumira sa bahay natin kasama ka.

madami pa akong mga pangarap pero higit sa lahat:

Pangarap kong Mangarap kasama ka at maging isa sa mga Pangarap mo.


-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo