Oras Na Namamagitan

Sa oras na ako'y gumising ay siyang oras ng iyong pagtulog
At kapag ika'y bumangon ay siya ring aking pagyakap sa kumot
Oras na namamagitan ay hindi natin matatalo
Sapagkat ako'y narito at ika'y nariyan sa malayo.


Mahal ko, alam kong mahirap ang sitwasyon natin
Pero sana'y walang magsawa't bumitaw sa atin
Libong milya ang layo natin sa isa't-isa
Ngunit puso natin ay magkadikit at laging magkasama.

Minsan tayo'y nagtatalo sa maliliit lamang na mga bagay
Subalit hanap ay lambing lamang ang pinagmulan ng away
Kapag naging maayos naman tayo'y walang makakaawat
Sa tamis ng ating pagmamahalang kahit sino'y magugulat.


Araw-araw kong inaalala ating pinagsamahan
Tinitingnan ang ngiting nasa ating mga larawan
Kay saya nating pagmasdang lubos na nagmamahalan
Na ngayo'y pinaglayo ng distansyang pumapagitan.


Balang araw ikaw rin ay aking mayayakap
Ngiti sa'yong pisngi, mata ko na mismo ang makakasulyap
Kamay mo rin ay lagi nang hawak hawak
At hindi na lamang sa aking imahinasyon na kay lawak.


Miss kita araw araw iyan ay alam mo
At mahal kita araw araw lagi kong paalala sa'yo
Sana'y manatili tayong matatag at sa problemay di magpatalo
Hanggang umabot tayo sa walang hanggan sa dulo.


-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo