Paraiso

Hindi ko nakita
Nandoon sa malayo
Ako ay malaya
Ikaw ay nakayuko


Hinawakan kita
Niyakap mo ako
Higpit ng kapit
Halik sa noo


Bahaghari sa hapon
Nakangiti sa ulap
Kumakantang mga ibon
Pakinggan mo ay kay sarap


Mata mo'y kumikislap
Haplos sa buong pagkatao
Kapintasa'y niyakap
Binago ang ikot ng mundo


Binuo ang nabasag
Pira-pirasong nagkalat
Sapagkat ngiti ay binihag
Ako ay namulat


Sa paraiso tayo'y pumasok
Mundong tayo lamang
Magpahinga sa sulok
Kalimutan ang hadlang


Araw-gabi ako'y nag-aabang
Maulit muli ang kasiyahan
Di magsasawang lumutang
Sa ulap ng pagmamahalan


-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo