Salamat, Nakaraan

Kailan ba tayo huling nagkita
Halos di ko na maalala
Kailan ba kita huling nahawakan
Wala na akong nararamdaman

Ilang taon din tayong nagsama
Alam kong wala akong ibang ginawa
Kundi intindihin ka
Mahalin at iparamdam na ika'y mahalaga

Ngunit ngayon ay wala na
Di na halos kita makilala
Pangalan mo'y limot ko na
Pasensya pero di ko sinadya

Nais ko lang sabihin sayo
Salamat sa pagpapalaya mo
Nakaraan ay wala ng halaga
Pagkat tayo'y magkaiba ng tadhana

Salamat dahil sa pag-iwan mo
Natagpuan ko ang taong mas mamahalin ko
Salamat pagkat kundi dahil sayo
Di ko makikita ang halaga ng buhay ko

Alam kong masaya ka na kung san ka man
Di ko na din kailangan pang malaman
Ang gusto ko lang iyong maintindihan
Nangyayari ang lahat dahil may dahilan

Dahilan upang matagpuan ko ang bubuhay sa akin
Ang taong aking lubos na mamahalin
Nagpakita at nagparamdam sa akin
Ng mga bagay na sa kanya ay wala na akong mahihiling

Wala akong iba pang masasabi
Mga mali mo'y hindi ko iniintindi
Pagkat sa puso ko'y mas naghahari
Ang pasasalamat sayo sa huli

Salamat dahil ngayon natagpuan ko na siya
Nagpabango ng buhay ko at sa mundo ko'y nagpinta
Nakita ko sa kanya ang taong mas dapat na bigyang halaga
Ang mamahalin ko hanggang sa aking huling hininga


Salamat, nakaraan


-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo