Sana
May pag-ibig tayong tinatago
Ikaw at ako ang nakakaalam
Kamay mong kay sarap hawakan
Noo mong paborito kong halikan
Kapag ako ba ang iyong kasama
Kasintulad ba ng kapag kasama mo sya?
Kapag pangalan ko ay 'yong tinatawag
Ramdam mo ba ang pagkakaiba?
Sana'y hindi lamang sa likod ng pinto
O sa tabing na nakababa
Kita'y mayakap at makakasama
At sa lihim ay minamahal ka
Nais ko mang isigaw
Sa ngayon ay hindi pa maaari
Ngunit sa bukas na darating
Malalaman ng marami
Pag-ibig na ating lihim
Totoo at walang katulad
Puso kong ikaw ang nagmamay-ari
At puso mong aking hinahawakan
Ako'y nakatira sa panahong ika'y kasama
Panahong bukas ay darating pa
Bukas na hindi mauubos
At bukas na mas mamahalin ka pa.
-ACM-