Butterflies

Dahil sa kantang "Butterflies" ng Koloke Kai na gustong-gusto ng mahal ko, ginawan ko ito ng sariling pagsasalin. Isa lamang ang kantang nabanggit sa mga kantang nagpapahiwatig ng nararamdaman ko sa tuwing kausap ko siya. Kaya para sayo mahal, KCM.


Nakikita ko sa iyong mga mata
May surpresang dinadala
Nakintal ko sa aking gunita
Kung gaano ka isinasamba

Yayakapin kita ng buong-buo
Ilalayo sa mga nais gumulo
Alindog sayo'y di maglalaho
At pagmamahal na di ko itinatago

Ika'y hinahangaan
Sa pisngi sana'y mahulaan
Tanging laman ng aking isipan
Tunay na ika'y hulog mula sa kalangitan

Paru-paro sa tiyan ay nagkakagulo
Tuwing nakikita nagniningning na mga mata mo
Nanghihina aking buong pagkatao
Sa tuwing naririnig boses mong paborito

Ang sarap titigan ng 'yong mga ngiti
Sistema ko'y iyong kinikiliti
Buhok mong pasimple mong hinahawi
Paligaw-ligaw mong tingin ay may sinasabi

Kailanma'y di naisip na ito'y mangyayari
Nararamdaman sayo'y natatangi
Sa pag-aalaga'y namumutawi
Ang pag-ibig mong sa puso'y di maikubli

-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo