Pagmamahal Na Natatangi
Di ko talaga maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, ang mga titig niya na wari ay may sinasabi, sa tuwing naririnig ko ang boses niya na parang isang awit sa'king tainga, sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako na minsan pa'y sadyang pinipikit ko ang aking mga mata para namnamin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya, tila ba nanghihina ako.
Di ko malaman ang tiyak na dahilan kung bakit nahuhumaling ako ng lubos sa kanya na halos sa pagkadapa kong ito ay mas nanaisin ko pang ako'y kaladkarin dahil sa kaligayahan at pakiramdam na sobrang sapat na lahat ng simpleng bagay sa paligid.
Kaligayahang humahatak sakin para malunod o kung minsa'y naglilipad sa'kin sa ulap ng kasarinlan. Kaligayahang nagbibigay sa'kin ng dahilan na kay sarap mabuhay hanggang sa dulo, na di mo na halos nakikita ang mga problema o di kanais-nais sa paligid sapagkat napapalitan ito ng ngiti kasabay ng pagsasagasa ng alaala ng kanyang mukha sa aking gunita.
Doon ko na lamang napagtanto, iba ang dala niya sa buhay ko, iba ang pintang kinulay niya sa mundo ko, iba ang musikang nilalaro niya sa sistema ko, iba ang hatid niyang kasiyahan na sakin ay nakakapagpabago.
Bago ko paman tuluyang binigay lahat ng pagmamahal sa kanya, may mga agam-agam akong baka mauwi lang sa sakit ang lahat, mauwi lang sa wala. Sa kabilang banda naman ay sinasabi ng puso ko na "siya na", "wag kang mangamba". Sadyang mahirap lang talagang pigilan o takpan ang sigaw ng puso na kahit ikaw mismo ay mabibingi sa paulit-ulit niyang sambit.
Iba ang minamahal ko ngayon sa lahat, ibang-iba siya kung ikukumpara sa mga dating dumaan sa buhay ko. Iba ang kanyang paniniwala, ang kanyang ugali, ang kanyang pag-iisip at ang kanyang paraan ng pagpaparamdam sakin ng halaga ko sa buhay niya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya na makasama siya hambambuhay. Mahal ko ang pagkatao niya sapagkat nakikita ko ang busilak ng kanyang kalooban, ang kanyang buong pagkatao na isa sa pinaka tiyak na dahilan ng paghanga at pagmamahal ko sa kanya.
Sa tuwing kinukuwento niya sa akin ang buhay niya noon, nasasabik ako sapagkat pagkakataon iyon na makilala siya ng lubos at maliban pa, inaabangan ko ang ngiti at tawa niya dala ng kabaliwan na ginagawa niya noon. Unti-unti, sa pagbubukas ng kanyang palad na ilahad ang mga karanasan niya noon, nakikilala ko siya, nararamdaman ko ang lambot ng puso nya..
Ngayong habang lumilipas ng unti-unti ang panahon, ay siya ring pamumukadkad, pagyabong at paglalim ng aking nararamdaman para sa kanya. Pagmamahal na masasabi kong kumupleto sa akin, nagturo sakin paano mangarap, at pagmamahal na bumuo sa buhay ko. Pagmamahal kong natatangi.
-ACM-