Kahit Ano Pa Man
Sabihin man nila lahat ng masasakit na salita
Gawan man nila tayo ng mga masasama
Ano man sa isip natin ang itanim nila
Mananaig parin ating paniniwala
Paano man nila tayo laitin
Saan man nila tayo dalhin
Kahit ano pa ang itawag nila sa'tin
Lalabas parin ang sa loob ay nanggaling
Di ipagpapalit aking paniniwala
Magpanggap ay di ko magagawa
Pag-ibig natin ay magpakailanman
Alam ko, kahit ano pa man
Dasal sana'y naririnig
Saya sana sa luha ay maipabatid
Liwanag sana'y nakikita sa gabi
Diyos lamang ang makakapagsabi
Di man sumikat ang araw
Kalangitan ma'y di maging bughaw
Ililigtas kita at patitibayin
Yayakapin kita sa malakas na hangin
Buhay ko iyo'y sinimulan
Paano man nila tayo husgahan
Ano man ang magiging kinahantungan
Ako ang magiging lahat ng iyong kailangan
Pag-ibig ko sa iyo ay tunay
Lahat ng ginagawa ko ay patunay
Pag-ibig natin ay magpahanggang wakas
Sa dulo ma'y mag-iiwan parin ng bakas.
-ACM-
Gawan man nila tayo ng mga masasama
Ano man sa isip natin ang itanim nila
Mananaig parin ating paniniwala
Paano man nila tayo laitin
Saan man nila tayo dalhin
Kahit ano pa ang itawag nila sa'tin
Lalabas parin ang sa loob ay nanggaling
Di ipagpapalit aking paniniwala
Magpanggap ay di ko magagawa
Pag-ibig natin ay magpakailanman
Alam ko, kahit ano pa man
Dasal sana'y naririnig
Saya sana sa luha ay maipabatid
Liwanag sana'y nakikita sa gabi
Diyos lamang ang makakapagsabi
Di man sumikat ang araw
Kalangitan ma'y di maging bughaw
Ililigtas kita at patitibayin
Yayakapin kita sa malakas na hangin
Buhay ko iyo'y sinimulan
Paano man nila tayo husgahan
Ano man ang magiging kinahantungan
Ako ang magiging lahat ng iyong kailangan
Pag-ibig ko sa iyo ay tunay
Lahat ng ginagawa ko ay patunay
Pag-ibig natin ay magpahanggang wakas
Sa dulo ma'y mag-iiwan parin ng bakas.
-ACM-