Mananatili Ako Sa'yo

Mananatili akong sa'yo
'di man sa buong buhay ko
kundi sa buong buhay mo.

Mananatili akong pagmamay-ari mo
'di man ako ang kapiling mo
'di man ako ang kalambingan mo.

Asahan mo 'di ako gagaya sa'yo
pagkat ikaw lamang dito sa puso ko.

Mananatili ako sa piling mo.

'Di man ako matanaw ng iyong mga mata
'di man ako mahagkan ng iyong mga labi
'di mo man ako maikulong ng mga bisig mo.

Pero mananatili parin ako
hindi lang dahil sa gusto ko
kundi dahil 'yon ang sinisigaw ng puso ko.


Kaya mananatili ako.
mananatili ako bilang kaibigan mo
mananatili ako bilang isang tao.

Isang tao na handang makinig sayo
isang tao na handang umalalay sayo
kung nanaisin mo.

Mananatili ako sa'yo.

Pero paano ko magagawa yun kung iba na ang gusto mong manatili sa piling mo.
mananatili nalang ba akong alaala?
mananatili nalang ba ako dyan sa pinakasulok ng isip mo?


Paano kaya kung nanatili ka din sa piling ko,
masaya ka din kaya?
yung ngiti mo ngayon tulad din kaya ng ngiti mo
kapag ako ang kasama mo?

Kung nanatili ka kaya sa piling ko, nasan na kaya tayo ngayon?
saan kaya tayo dadalhin ng panahon?

Kung pinilit kaya kita na manatili sakin
matutuloy ba kaya ang pag-iibigan natin?
magiging maganda ba ang kahihinatnan nito?

O baka naman hanggang dito nalang talaga ito
makukuntento nalang ba ako na manatili sa piling mo
kahit na may kapiling ka nang iba..

-KCM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo