Minsan sa buhay natin ay may mga desisyon tayong ginagawa hindi dahil sa yun ay gusto natin kundi dahil sa iyon ay tama, makakasakit man ito o magiging masaya man tayo sa magiging kinalabasan. Mga desisyong kahit alam nating dudurog sa ating puso ay gagawin natin dahil may tungkulin tayong dapat na gampanan.
Sa pag-ibig, ang pag dedesisyon ay nariyan. Minsan sa pagpapalaya o pananatili sa isang relasyon. Minsan naman ay sa pagpili ng kung sino ang iibigin natin. Hindi pwedeng basta basta nalang sa pagpili ng mamahalin, puso man natin yung pumili at tumitibok ay nariyan parin ang dikta ng isip. Ang nagbabalanse ng kung ano ang tama at ang mali.
Base sa aking naging karanasan, masakit kapag iniwan ka sa kung ano man ang dahilan ngunit nalaman kong mas masakit pala ang iwanan mo ang iyong minamahal kahit na alam mong mahal ka rin niya. Kahit na alam niyong nagmamahalan kayo at parehas kayo ng pangarap sa buhay - ang makasama ang isa't-isa habambuhay.
Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang paglawak ng aking isipan at pag-unawa. Natuto ako na hindi lahat ng pag-ibig ay nananatili sa haba ng panahon. May pag-ibig na umusbong sa maikling panahon at mayroon namang unti-unting nag-iinit at mas tumitibay. May pag-ibig na kahit ilang taon niyong pinaghirapan ay nauuwi sa sakitan at hiwalayan. May pag-ibig na sinasayang lamang ng iilan at hindi pinahahalagahan. May pag-ibig na makasarili, may mapag bigay, at mayroon namang pang-bayani dahil sa ka-martyran.
Iba't-iba ang klase ng pag-ibig sa mundo. Ang pag-ibig na nararanasan ng mga tao. Pag-ibig na sinasabing makapangyarihan at kayang makapagpabago ng mga bagay sa paligid. Pag-ibig na may kalakip na pagdedesisyon.
Masakit ang maiwan ngunit mas masakit ang magpalaya. Minsan ay kailangan nating mag sakripisyo para sa mas ikabubuti ng mas nakararami at mas nakabubuti para sa taong iyong minamahal. Kaya nauunawaan ko na ang sinasabing "love means sacrifice". Kailangan mong isantabi ang sarili mong kaligayahan para sa kaligayahan ng iyong minamahal o ng ibang tao. Masakit. Masakit lalo't buong buhay mo ay handa kang ibigay lahat sa kanya, masakit lalo't buong pag-ibig mo ay inialay mo na sa kanya. Pag ibig na wala ng ibubuga pa kung ibabaling mo sa iba. Paano ka pa babangon? Paano ka pa makakaahon?
Pag-ibig ang siyang nagtuturo sa'tin mangarap ngunit ang masaklap na kabaligtaran naman ay ang pag-ibig din ang sisira sa'yong kinabukasan, lalo na't hindi pa ganoon ka hinog ang iyong isipan, ang iyong pag unawa sa pamamaalam, pagtanggap sa mga bagay na dapat.
Sa paniniwala ko, ang pagsabing paalam ay hindi ibig sabihin na huli na ang lahat at tapos na. Ang pamamaalam ay nangangahulugan lamang na ito ay simula ng mas magandang pahina ng iyong buhay. Ang pagpapalaya ko sa taong aking minamahal ay isa lamang paraan ng pagpaparamdam ng pag-ibig na walang hanggan, pag-ibig na kailanman ay hindi pagsisisihan at pag-ibig na patuloy kong papangarapin pagdating ng kinabukasan.
Sa pag-ibig, natuto akong maniwala na may magandang mangyayari sa lahat ng pagsasakripisyo at pagtitiis, natuto akong panindigan ang mga nabitawan kong pangako, natuto akong mangarap kahit na mulat sa katotohanang nariyan sa kasalukuyan, natuto akong maghintay..
Maghintay lamang sa bukas na mas makulay at mas masaya. Bukas na wala ka nang pangamba. Bukas na hihintayin ko kahit ako'y mawala na..
Sa bukas na iyon ako ay kakapit, kukuha ng lakas at mananalig. Sa bukas na iyon, panghahawakan ko ang pag-ibig na araw-araw kong pangarap at pinapangarap.
-ACM-