Para Sa Ating Pagmamahalan

Araw-araw iniisip ko ang masaya mong mukha
Araw-araw nakikita ko ang mga mata mong nagniningning sa tuwa
Araw-araw inaabangan ko ang mga ngiti sa iyong labi
Araw-araw pangarap kong mayakap ka at tumawa sa iyong tabi

Natuwa ang puso ko mula nang ika'y nakilala
Nagagalak ako sa tuwing ikaw ay aking nakikita
Walang mapaglagyan ang tuwang aking nadarama
Labis akong matutuwa kung masilayan ka mismo ng aking mga mata

Puso kong ikaw ang tinitibok ay nagagalak na ika'y mahagkan
Tangi kong hinahangad  ika'y makita ng harap-harapan
Iniisip ko palagi na tayo ay masaya kapag tayo'y nagsama na
Malayo man tayo sa isa't isa ikaw parin ang aking sinisinta

Pag-ibig ko sa'yo kailanman ay hindi maglalaho
Pagkat ikaw ay bukod tangi sa puso kong ito
Tandaan mo, ikaw lang ang mamahalin ko
Ikaw lang ang nag iisang sinisigaw nitong aking puso

Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga
Palagi mong isipin na kahit malayo tayo sa isa't isa
Ang lokohin ka ay hinding hindi ko magagawa
Ikaw ang aking pag-ibig na kailan man ay 'di mawawaglit ng kahit ano pa

Ikaw ang aking pag-ibig na kailanma'y hindi ko sasayangin
Unang beses na ikaw ay nasilayan puso ko'y ninakaw ng simple mong tingin
Ating pangalagaan ang pag-ibig na ating itinanim
Ito ay palagi sa gabi ay aking dinadalangin

Sana balang araw ikaw ay makita
Sapagkat ako'y nananabik na ikaw ay makasama
Ang pag mamahal mo sakin ay aking lakas at ang aking sandata
Naway maging matatag tayo sa mga unos na dadaan sinta

Mahal na mahal kita higit kanino man
Mahal na mahal kita magpakailanman.

-KCM-ACM-

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo