Kapag sasapit na ang gabi, inaabangan ko ang oras ng paggising mo, ang nakasanayan kong mga oras na naghihintay ako para makita ka, marinig ang boses mo, at iparamdam ang pagmamahal ko sayo.
Kapag nakikita ko ang liwanag ng mga bituin, hinihiling ko na sana kasama kitang pinapanood ang mga ito, na sana magkatabi tayo, magkahawak ang kamay at minsan ay magkayakap upang mapawi ang lamig sa katawan na pinaparamdam ng ihip ng hangin.
Ang sarap sa tuwing sasapit ang gabi lalo't ramdam ko ang pagmamahal mo. Ngunit ngayon ay hindi na. Sa tuwing sasapit ang gabi, nasasaktan ako dahil hindi na kita muling makikita o makakausap pa. Minsan ay nililipad ako ng aking imahinasyon sa mundo mo. Na magkasama tayong masaya, nakangiti at walang kinakaharap na problema. Sa mundong hindi tayo kailanman naghihiwalay. Sa mundong magkasama tayong unti unting tinutupad ang mga pangarap natin.
Mahal, bawat pagsapit ng gabi ay mas lalo akong nangungulila sayo. Ngunit wala akong magawa kundi ang mangarap, magdasal, umasa at maghintay.
Ang hiling ko lamang ay sana maging masaya ka kung san ka man ngayon. Mas nanaisin kong ibigay sayo ang kaligayahan sa mundo at isakripisyo ang sariling kaligayahan ko, dahil ang totoo, ikaw ang buhay ko. Masaya ako kapag nakikita kang masaya.
Sana sa paglayo mo ay baunin mo ang pagmamahal kong natatangi para sayo. Ang pagmamahal kong hindi mo man abot ay sana, kayang abutin ang puso mo.