'Kasi LDR"

I.
Sabi nila, imposible ang meron tayo
Sabi ko naman, kami nagmamahalan
Kaya imposible man
Magiging posible

Nariyan ka, narito ako
Gising ka na ba? Maghahating-gabi na dito
Hinihintay kita
Hihintayin kita

Chorus:
Libong distansya man
Sati’y namamagitan
Ako si Superman
Ika’y ipaglalaban
Kasi mahal kita
Kasi mahal kita kahit na LDR
Kasi LDR, kasi LDR

II.
Okay lang ako, ikaw kamusta na?
Saan ang video mo? Gusto kitang makita
Ay, oo nga pala
May trabaho ka pa

Ako’y sabik marinig ang boses mo
At sa iyong halik sa cellphone mo
Aalis ka na ba?
Ako’y matutulog na

Mag ingat ka, kumain ka,
Miss na kita, Mahal kita

Chorus 2:
Titiisin ko ang lahat
Ako sa’yo ay tapat
Hinding hindi magsasawa
Ikaw lamang ay makita


Bridge:
Kailan ang uwi mo sinta?
Ay, matagal pa pala
Okay lang, hayaan mo na
Baling araw tayo’y magsasama..




ACM

Popular posts from this blog

Takot Ka Bang Mamatay?

Lilipad Tayo