Gusto kong pigilan ka nang sinabi mong aalis ka muna.
Gusto kong magmakaawa na wag mo kong iwan.
Gusto kong ipaalala sayo yung pangako mo na kahit kailan di ka bibitaw.
Gusto kong balewalain ang sinabi mo at sabihin sayo na "susss mahal naman..makakaya natin yan. Matatapos din natin ang problema na sabay nating hinaharap. Lika nga dito, yakap kita ng sobrang mahigpit"..
Pero hindi.
Hindi ko nagawa.
Hindi ko nagawang ipaglaban ang pag ibig ko.
Hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahalan natin.
Hindi ko ginawa.
Hindi kasi alam ko na sobra na ang pagtitiis mo para sa akin at para satin.
Hindi kasi alam ko na labis ka nang nahihirapan.
Hindi kasi natatakot ako na baka sabihin mong buo na ang desisyon mo.
Hindi kasi takot akong sabihin mo yun ulit at sabihin mong ";please, hayaan mo na muna ako".
Hindi kasi hindi ko alam kung may kasama pa ba ako sa laban..kung matibay ba ang sandatang pag-ibig na sabay nating pinaghirapang gawin.
Hindi kasi alam kong wala akong kalaban laban.
Hindi kasi takot akong ipagtulakan papalayo.
Sa halip na maging mahina, gusto kong iparamdam sayo na malakas ako at naiintindihan kita. Gusto kong ipaunawa sayo na handa akong maging matapang para suportahan ang desisyon mo kasi alam ko na dun ka sasaya at dun mawawala ang guilt na nararamdaman mo.
Masakit.
Masakit pero kinakaya ko. Masakit pero tinatanggap ko. Tinatanggap ko kahit na mahirap.
Ang sakit nga pala talaga kapag nagmahal ng sobra.
ACM

Comments
Post a Comment