Minsan may pag-ibig na pinapalaya mo na lang ang isang tao sapagkat ito ang mas nararapat para sa kanya. Kahit gaano mo man kagustong hawakan at yakapin siya, kahit gaano mo man kagustong ipaglaban ang pagmamahal nyo sa isa't-isa...lalo pa't sumuko na siya. Ang pag-ibig pala hindi natatapos sa araw na sumuko ka na, dahil ang totoong pag-ibig, sabihin mang tapos na, ang totoo ay nariyan lang... Hindi nawawala, hindi napapagod, hindi natatapos...pinapalaya mo lang dahil mas mahal mo siya kaysa sa kagustuhan mong hawakan siya. :(
Sabi nila kung mahal mo, ipaglaban mo. Pero di nya ako ipinaglaban. Di nya na ba ako mahal? Ang alam ko kasi mahal niya ako o baka ako nalang yung umaasa. Baka hindi ako karapat-dapat ipaglaban. Sabi nila kung mahal mo, palayain mo. Pinalaya namin ang isa't-isa, baka nga sobrang mahal ko siya at mahal niya ako. O baka hindi na talaga niya ako mahal kaya papalayain na lang. Katulad ng isang ibong inalagaan at minahal ngunit paglipas ng panahon ay kailangan nang palayain mula sa hawlang pinuno ng pagmamahal. Pero mahal ko siya. Pinalaya ko kasi gusto niya. Ayokong ipilit ang sarili ko sa isang taong itinataboy ako o ramdam kong hindi ako ang kailangan niya. Pero mahal ko parin siya. Kailan ba dapat magmahal na di mo kailangang palayain sya o di mo sya kailangang ipaglaban kasi siya mismo ang lalaban para sayo? Kailan ba dapat magmahal para masabi mong nakaayon ang oras,lugar,panahon at pagkakataon? Baka nga hindi lang talaga sapat ang salitang "mahal kita" hindi sap...
Kay galing mong magsulat ng nararamdaman. Ako ma'y hindi pa kailanman nakaranas na umibig sa ganitong paraan, damang-dama ako ang pighati ng pagtitiis, pagsusumamo, at ang pag-asa sa matamis na bukas na walang kasiguraduhan. Mahusay! ������
ReplyDeleteBinasa ko ang mga blohs m from 2016. Ang swerte pala nya sau. :) God's timing is always perfect and He knows your pain. I hope and pray for all the best in your life. Stay awesome! :)
ReplyDelete*blogs
Delete