Posts

Showing posts from March, 2017
Kapag sasapit na ang gabi, inaabangan ko ang oras ng paggising mo, ang nakasanayan kong mga oras na naghihintay ako para makita ka, marinig ang boses mo, at iparamdam ang pagmamahal ko sayo. Kapag nakikita ko ang liwanag ng mga bituin, hinihiling ko na sana kasama kitang pinapanood ang mga ito, na sana magkatabi tayo, magkahawak ang kamay at minsan ay magkayakap upang mapawi ang lamig sa katawan na pinaparamdam ng ihip ng hangin. Ang sarap sa tuwing sasapit ang gabi lalo't ramdam ko ang pagmamahal mo. Ngunit ngayon ay hindi na. Sa tuwing sasapit ang gabi, nasasaktan ako dahil hindi na kita muling makikita o makakausap pa. Minsan ay nililipad ako ng aking imahinasyon sa mundo mo. Na magkasama tayong masaya, nakangiti at walang kinakaharap na problema. Sa mundong hindi tayo kailanman naghihiwalay. Sa mundong magkasama tayong unti unting tinutupad ang mga pangarap natin. Mahal, bawat pagsapit ng gabi ay mas lalo akong nangungulila sayo. Ngunit wala akong magawa kundi ang mangara...
Dati lagi kong naiisip na "Paano kaya kami maghihiwalay? Sino kaya ang unang bibitaw sa amin? Bakit kaya?" Yan ang tinatanong ng utak ko. Pero sumasagot din tong puso ko at ang sabi, "suss. Di kami maghihiwalay. Imposible yun. Mahal namin ang isa't isa.." Pero yun nga. Posible nga pala talaga lahat. Masakit man ito, o hindi nyo man parehong ginusto. Masakit. Masakit lalo't naghiwalay kayo dahil kailangan. Minsan naisip ko pa na sana iba na lang yung dahilan kung bakit naghiwalay kami, nang sa ganun hindi siya masaktan sa naging desisyon nya. Sana may nagawa akong mali o nasira ko yung tiwala nya para maisip nya na hindi ako karapat dapat para sa kanya at hindi na siya mahirapan pa. Siguro nga hindi sapat ang mahal nya ako at mahal ko siya. Hindi sapat na parehas kayo ng pangarap sa buhay. Hindi sapat na malaman nyo mismo sa sarili nyo at ramdam nyo pareho sa puso nyo na para kayo sa isa't-isa. Kasi ang totoo, may mga bagay na kahit anong pilit...

'Kasi LDR"

I. Sabi nila, imposible ang meron tayo Sabi ko naman, kami nagmamahalan Kaya imposible man Magiging posible Nariyan ka, narito ako Gising ka na ba? Maghahating-gabi na dito Hinihintay kita Hihintayin kita Chorus: Libong distansya man Sati’y namamagitan Ako si Superman Ika’y ipaglalaban Kasi mahal kita Kasi mahal kita kahit na LDR Kasi LDR, kasi LDR II. Okay lang ako, ikaw kamusta na? Saan ang video mo? Gusto kitang makita Ay, oo nga pala May trabaho ka pa Ako’y sabik marinig ang boses mo At sa iyong halik sa cellphone mo Aalis ka na ba? Ako’y matutulog na Mag ingat ka, kumain ka, Miss na kita, Mahal kita Chorus 2: Titiisin ko ang lahat Ako sa’yo ay tapat Hinding hindi magsasawa Ikaw lamang ay makita Bridge: Kailan ang uwi mo sinta? Ay, matagal pa pala Okay lang, hayaan mo na Baling araw tayo’y magsasama.. ACM

Hindi Lahat

"Maam knows everything" - ito ang sabi ng isang estudyante ko kanina nang tinanong ako ng kaklase nya sa Math. Naging guro ako sa private school kanina sa Math ng isang araw at ng biglaan. Mabuti na lamang at kahit kaunti ay may alam ako sa asignaturang paborito ko na kinamumuhian ng iba, ang Math, o sa salitang Filipino ay Sipnayan. Natatawa pa nga ako kasi wala ni isa sa kanila ang nakasagot ng tama nang tinanong ko sila kung anong katumbas ng salitang ingles na to sa Filipino. Napatigil ako ng marinig yun mula sa isang mag aaral ko. Pano ba naman, ang daming tinatanong ng mga kaklase nya at mabuti ay nasagot ko ito lahat. Napangiti ako at bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang "no, not everything.." Mabuti nalang at hindi napansin ng mga bata ang malalim na pinaghugutan ko. Kahit ako ay hindi ko alam bakit naisagot ko iyon kaagad. Pagkatapos ng sinabi ko ay naramdaman ko na lang ang kalungkutan sa'king puso. Minsan din talaga kinukulit ng pus...

Kasi mahal kita

Gusto kong pigilan ka nang sinabi mong aalis ka muna. Gusto kong magmakaawa na wag mo kong iwan. Gusto kong ipaalala sayo yung pangako mo na kahit kailan di ka bibitaw. Gusto kong balewalain ang sinabi mo at sabihin sayo na "susss mahal naman..makakaya natin yan. Matatapos din natin ang problema na sabay nating hinaharap. Lika nga dito, yakap kita ng sobrang mahigpit.." Pero Hindi.. Hindi ko nagawa. Hindi ko nagawang ipaglaban ang pag ibig ko. Hindi ko magawang ipaglaban ang pagmamahalan natin. Hindi kasi alam ko na sobra na ang pagtitiis mo para sa akin at para satin. Hindi kasi alam ko na labis ka nang nahihirapan. Hindi kasi natatakot ako na baka sabihin mong buo na ang desisyon mo. Hindi kasi takot akong sabihin mo yun ulit at sabihin mong "please, hayaan mo na muna ako" Sa halip na maging mahina, gusto kong iparamdam sayo na malakas ako at naiintindihan kita. Gusto kong ipaunawa sayo na handa akong maging matapang para suportahan ang desisyon...