Minsan sa buhay natin ay may mga desisyon tayong ginagawa hindi dahil sa yun ay gusto natin kundi dahil sa iyon ay tama, makakasakit man ito o magiging masaya man tayo sa magiging kinalabasan. Mga desisyong kahit alam nating dudurog sa ating puso ay gagawin natin dahil may tungkulin tayong dapat na gampanan. Sa pag-ibig, ang pag dedesisyon ay nariyan. Minsan sa pagpapalaya o pananatili sa isang relasyon. Minsan naman ay sa pagpili ng kung sino ang iibigin natin. Hindi pwedeng basta basta nalang sa pagpili ng mamahalin, puso man natin yung pumili at tumitibok ay nariyan parin ang dikta ng isip. Ang nagbabalanse ng kung ano ang tama at ang mali. Base sa aking naging karanasan, masakit kapag iniwan ka sa kung ano man ang dahilan ngunit nalaman kong mas masakit pala ang iwanan mo ang iyong minamahal kahit na alam mong mahal ka rin niya. Kahit na alam niyong nagmamahalan kayo at parehas kayo ng pangarap sa buhay - ang makasama ang isa't-isa habambuhay. Kasabay ng paglipas ng panah...
Posts
Showing posts from September, 2016
Pagmamahal Na Natatangi
- Get link
- X
- Other Apps
Di ko talaga maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko siya, ang mga titig niya na wari ay may sinasabi, sa tuwing naririnig ko ang boses niya na parang isang awit sa'king tainga, sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako na minsan pa'y sadyang pinipikit ko ang aking mga mata para namnamin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya, tila ba nanghihina ako. Di ko malaman ang tiyak na dahilan kung bakit nahuhumaling ako ng lubos sa kanya na halos sa pagkadapa kong ito ay mas nanaisin ko pang ako'y kaladkarin dahil sa kaligayahan at pakiramdam na sobrang sapat na lahat ng simpleng bagay sa paligid. Kaligayahang humahatak sakin para malunod o kung minsa'y naglilipad sa'kin sa ulap ng kasarinlan. Kaligayahang nagbibigay sa'kin ng dahilan na kay sarap mabuhay hanggang sa dulo, na di mo na halos nakikita ang mga problema o di kanais-nais sa paligid sapagkat napapalitan ito ng ngiti kasabay ng pagsasagasa ng alaala ng kanyang mukha sa aking gunita. Doon ko na l...
Butterflies
- Get link
- X
- Other Apps
Dahil sa kantang "Butterflies" ng Koloke Kai na gustong-gusto ng mahal ko, ginawan ko ito ng sariling pagsasalin. Isa lamang ang kantang nabanggit sa mga kantang nagpapahiwatig ng nararamdaman ko sa tuwing kausap ko siya. Kaya para sayo mahal, KCM. Nakikita ko sa iyong mga mata May surpresang dinadala Nakintal ko sa aking gunita Kung gaano ka isinasamba Yayakapin kita ng buong-buo Ilalayo sa mga nais gumulo Alindog sayo'y di maglalaho At pagmamahal na di ko itinatago Ika'y hinahangaan Sa pisngi sana'y mahulaan Tanging laman ng aking isipan Tunay na ika'y hulog mula sa kalangitan Paru-paro sa tiyan ay nagkakagulo Tuwing nakikita nagniningning na mga mata mo Nanghihina aking buong pagkatao Sa tuwing naririnig boses mong paborito Ang sarap titigan ng 'yong mga ngiti Sistema ko'y iyong kinikiliti Buhok mong pasimple mong hinahawi Paligaw-ligaw mong tingin ay may sinasabi Kailanma'y di naisip na ito'y mangyayari Nararamd...
Kahit Ano Pa Man
- Get link
- X
- Other Apps
Sabihin man nila lahat ng masasakit na salita Gawan man nila tayo ng mga masasama Ano man sa isip natin ang itanim nila Mananaig parin ating paniniwala Paano man nila tayo laitin Saan man nila tayo dalhin Kahit ano pa ang itawag nila sa'tin Lalabas parin ang sa loob ay nanggaling Di ipagpapalit aking paniniwala Magpanggap ay di ko magagawa Pag-ibig natin ay magpakailanman Alam ko, kahit ano pa man Dasal sana'y naririnig Saya sana sa luha ay maipabatid Liwanag sana'y nakikita sa gabi Diyos lamang ang makakapagsabi Di man sumikat ang araw Kalangitan ma'y di maging bughaw Ililigtas kita at patitibayin Yayakapin kita sa malakas na hangin Buhay ko iyo'y sinimulan Paano man nila tayo husgahan Ano man ang magiging kinahantungan Ako ang magiging lahat ng iyong kailangan Pag-ibig ko sa iyo ay tunay Lahat ng ginagawa ko ay patunay Pag-ibig natin ay magpahanggang wakas Sa dulo ma'y mag-iiwan parin ng bakas. -ACM-
Always and Forever
- Get link
- X
- Other Apps
Knew you were the one for me when i first saw your eyes Reached my heart despite a thousand miles Inspires me in a magical way you do Sunshine or even in storms, i will take care of you Through high waves and hard rocks we'll remain strong Even when i close my eyes, my love can never be wrong Letting you in is my most beautiful decision Loving you will always be without condition Eternity is what our heart will spend in unison Cause you mean the world to me Remember that you will always be Under any circumstances we take part Zigzags and roller coasters can't take us apart Million years I would die and live again I would stay in love with you the way I've been Road to forever we're heading to Amidst all odds I will stay true to you Never will always be never to say Destiny it is and i know we're meant to stay Always and forever, for us i pray -ACM-
Paalam
- Get link
- X
- Other Apps
Ang tulang ito ay alay ko sa mga naiwan ng kanilang minamahal noong August 31,2016, Davao City Bombing. Labis ang aking lungkot nang mabalitaan ko iyon at ang aking pakikidalamhati sa mga naiwan. Minsan naisip ko na paano kung isa ako doon sa mga nasawi? Mawawala nalang ng hindi ko alam kung kailan at biglaan. Nakakalungkot isipin pero iyon ay patunay na hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin ngayon, bukas, at sa susunod pang mga bukas. Kaya nararapat lang na pahalagaan natin ang bawat sandali ng ating buhay. Ang mga taong ating minamahal at nagmamahal sa atin. Dapat lang na maging masaya tayo araw-araw dahil di natin alam hanggang saan magtatapos ang ating hiram na buhay sa Panginoon. Haaay :( Kahapon lamang ay masaya tayong nagmamahalan Puso nating dalawa ay labis ang tuwa at walang pagsidlan Kinukuwento mo sa akin ang araw at hapon mo Pati na rin ang kinain mo na nagpabusog sa'yo Palagi mong sinasabi sa akin ang iyong mga pangarap Pangarap na kay tayog at hin...
Hiling
- Get link
- X
- Other Apps
Sa piling mo ako'y masaya Pag ika'y nakikita Puso ko'y maligaya Pag ika'y kasama Mundo ko'y naiistatwa Pag ika'y kausap Parang ako'y nasa ulap Mga mata mong kay pungay Wariy nangungusap Sa labi mong mapang-akit Labi ko'y gustong idikit Puso ko'y nalulumbay Pag di ka nasisilayan Pero kahit ganun pa man Ika'y akin paring hinihintay Araw at gabi Ikaw ang naiisip Sana'y ikaw na Ang makapiling sa tuwina May mumunti akong hiling Sa piling mo ako'y mahihimbing Sa maningning na kalangitan Ika'y muli kong masilayan -KCM-
Para Sa Ating Pagmamahalan
- Get link
- X
- Other Apps
Araw-araw iniisip ko ang masaya mong mukha Araw-araw nakikita ko ang mga mata mong nagniningning sa tuwa Araw-araw inaabangan ko ang mga ngiti sa iyong labi Araw-araw pangarap kong mayakap ka at tumawa sa iyong tabi Natuwa ang puso ko mula nang ika'y nakilala Nagagalak ako sa tuwing ikaw ay aking nakikita Walang mapaglagyan ang tuwang aking nadarama Labis akong matutuwa kung masilayan ka mismo ng aking mga mata Puso kong ikaw ang tinitibok ay nagagalak na ika'y mahagkan Tangi kong hinahangad ika'y makita ng harap-harapan Iniisip ko palagi na tayo ay masaya kapag tayo'y nagsama na Malayo man tayo sa isa't isa ikaw parin ang aking sinisinta Pag-ibig ko sa'yo kailanman ay hindi maglalaho Pagkat ikaw ay bukod tangi sa puso kong ito Tandaan mo, ikaw lang ang mamahalin ko Ikaw lang ang nag iisang sinisigaw nitong aking puso Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga Palagi mong isipin na kahit malayo tayo sa isa't isa Ang l...
Mananatili Ako Sa'yo
- Get link
- X
- Other Apps
Mananatili akong sa'yo 'di man sa buong buhay ko kundi sa buong buhay mo. Mananatili akong pagmamay-ari mo 'di man ako ang kapiling mo 'di man ako ang kalambingan mo. Asahan mo 'di ako gagaya sa'yo pagkat ikaw lamang dito sa puso ko. Mananatili ako sa piling mo. 'Di man ako matanaw ng iyong mga mata 'di man ako mahagkan ng iyong mga labi 'di mo man ako maikulong ng mga bisig mo. Pero mananatili parin ako hindi lang dahil sa gusto ko kundi dahil 'yon ang sinisigaw ng puso ko. Kaya mananatili ako. mananatili ako bilang kaibigan mo mananatili ako bilang isang tao. Isang tao na handang makinig sayo isang tao na handang umalalay sayo kung nanaisin mo. Mananatili ako sa'yo. Pero paano ko magagawa yun kung iba na ang gusto mong manatili sa piling mo. mananatili nalang ba akong alaala? mananatili nalang ba ako dyan sa pinakasulok ng isip mo? Paano kaya kung nanatili ka din sa piling ko, masaya ka din kaya? yung ...