Posts

Showing posts from August, 2016

Sana

May pag-ibig tayong tinatago Ikaw at ako ang nakakaalam Kamay mong kay sarap hawakan Noo mong paborito kong halikan Kapag ako ba ang iyong kasama Kasintulad ba ng kapag kasama mo sya? Kapag pangalan ko ay 'yong tinatawag Ramdam mo ba ang pagkakaiba? Sana'y hindi lamang sa likod ng pinto O sa tabing na nakababa Kita'y mayakap at makakasama At sa lihim ay minamahal ka Nais ko mang isigaw Sa ngayon ay hindi pa maaari Ngunit sa bukas na darating Malalaman ng marami Pag-ibig na ating lihim Totoo at walang katulad Puso kong ikaw ang nagmamay-ari At puso mong aking hinahawakan Ako'y nakatira sa panahong ika'y kasama Panahong bukas ay darating pa Bukas na hindi mauubos At bukas na mas mamahalin ka pa. -ACM-

Bukas

Bukas magsisimula lahat Bukas unti unting matutupad Mga pangarap nating dalawa Pangarap ko na makasama ka Bukas gagandang lalo ang sikat ng araw Bukas iisipin ko na lamang ay ikaw Bukas di na tayo mangungulila sa isa't-isa Pagkat bukas, umaga, hapon, gabi kapiling ka Bukas mas lalong sasarap ang tulog ko Bukas mas lalong gaganda ang gising ko Sapagkat bago ko ipikit ang aking mga mata At sa bawat pagmulat, ikaw ang una at huling nakikita Bukas masisilayan din natin ang araw at buwan na nakangiti Kasabay ng puso nating ginagaya ang tuwa sa ating mga labi Bukas mapupuno ng mga bulaklak ang hardin Pupunuin ng kulay ng pag-ibig na ating itinanim Bukas ay walang hanggan Ika'y aking masisilayan Bukas na walang katapusang bukas Ika'y mamahalin na walang kupas -ACM-  

Paraiso

Hindi ko nakita Nandoon sa malayo Ako ay malaya Ikaw ay nakayuko Hinawakan kita Niyakap mo ako Higpit ng kapit Halik sa noo Bahaghari sa hapon Nakangiti sa ulap Kumakantang mga ibon Pakinggan mo ay kay sarap Mata mo'y kumikislap Haplos sa buong pagkatao Kapintasa'y niyakap Binago ang ikot ng mundo Binuo ang nabasag Pira-pirasong nagkalat Sapagkat ngiti ay binihag Ako ay namulat Sa paraiso tayo'y pumasok Mundong tayo lamang Magpahinga sa sulok Kalimutan ang hadlang Araw-gabi ako'y nag-aabang Maulit muli ang kasiyahan Di magsasawang lumutang Sa ulap ng pagmamahalan -ACM-

Salamat, Nakaraan

Kailan ba tayo huling nagkita Halos di ko na maalala Kailan ba kita huling nahawakan Wala na akong nararamdaman Ilang taon din tayong nagsama Alam kong wala akong ibang ginawa Kundi intindihin ka Mahalin at iparamdam na ika'y mahalaga Ngunit ngayon ay wala na Di na halos kita makilala Pangalan mo'y limot ko na Pasensya pero di ko sinadya Nais ko lang sabihin sayo Salamat sa pagpapalaya mo Nakaraan ay wala ng halaga Pagkat tayo'y magkaiba ng tadhana Salamat dahil sa pag-iwan mo Natagpuan ko ang taong mas mamahalin ko Salamat pagkat kundi dahil sayo Di ko makikita ang halaga ng buhay ko Alam kong masaya ka na kung san ka man Di ko na din kailangan pang malaman Ang gusto ko lang iyong maintindihan Nangyayari ang lahat dahil may dahilan Dahilan upang matagpuan ko ang bubuhay sa akin Ang taong aking lubos na mamahalin Nagpakita at nagparamdam sa akin Ng mga bagay na sa kanya ay wala na akong mahihiling Wala akong iba pang masasabi Mga mali mo...

Mga Pangarap Ko Mula Nang Dumating Ka

Naging simple at dumami ang pangarap ko dahil sayo, KCM. Kahit na may mata ako, kahit malinaw at kumpleto, pangarap kong magamit ito upang makita kita mismo. Kahit na kumpleto ang kamay ko, nakakahawak ng kung ano-ano, pangarap ko na mahawakan ang mukha mo. Kahit na may ilong ako naaamoy ang mga pabango, pangarap ko na magamit ito upang maamoy ang buhok mo.   Kahit na may bibig ako, nasasabi ang kahit na anong nais kong sabihin, pangarap kong magamit ito para mabigkas ang mga salitang "mahal kita" at "mahalaga ka sa buhay ko" sa harap mo. Kahit na may paa ako, kumpleto at nakakalakad ng deretso, pangarap kong magamit ang mga ito upang ihatid ka sa simbahan at sa bahay ko na magiging bahay mo. Kahit na may tenga ako, nakakarinig ng kahit na anong musika at salita mula sa ibang tao, pangarap kong magamit ang mga ito upang marinig ang boses at tawa mo. Ilan pang mga Pangarap ko: matikman ang luto mo makatabi ka sa pagtulog kumai...

Takot Ka Bang Mamatay?

Isang tanong na simple pero mahirap sagutan. Ang mga tao sa mundo ay iba-iba ang opinyon batay sa kanilang persepsyon at paniniwala. Ako? Takot ba akong mamatay? Dati ang nasasagot ko sa tanong na ito ay hindi. Hindi ako takot mamatay. Ngunit sa isipan ko ayokong mamatay na dumaan sa disgrasya, nagkakalasog lasog ang katawan, natatakot akong may ibang taong magbibihis sa akin, natatakot akong may magkulang sa parte ng katawan ko. Nakakatawang isipin pero nang ako ay magkaroon na ng mas matinong pag-iisip, napagtanto kong iyong mga sagot ko dati ay purong isip-bata. Walang malalim na dahilan. Yun bang parang nabuhay ka lang na para sa sarili mo. Sa paglipas ng panahon, tayo ay tumatanda, kasabay ang pagtanda at paglawak ng ating isipan. Ngayong tinatanong ko ang sarili kung takot ba akong mamatay, nag iba na ang aking sagot. Ang dating hindi, naging "oo". Tama, takot akong mamatay lalo't nakita ko ang halaga ng buhay. Lalo't nakita ko ang halaga ng aking p...

Gusto Kong Malaman

Kahanga-hangang isipin kung paano mo ako nakuha Sa tuwing ika'y lumalapit, ako'y nanghihina Walang sinuman sa'kin dati nito ay nakagawa Halik mo sa labi ko'y inuubos ang aking hininga Gusto kong malaman ano ang nagpapalakas sayo Nang gawin ko ang mga iyon o mas higitan pa Gusto kong malaman ano ang nagpapaiyak sayo Upang ako ang magpipinta ng ngiti sa iyong mukha Hindi niya naintindihan ang iyong halaga At hindi siya gumawa ng paraan para kayo'y maging masaya Ako'y isang taong nagpapakita ng pag-aalala Kaya't sabihin mo sa'kin ano aking magagawa Sabihin mo sa akin paano kita mapapaamo Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko Sapagkat gusto ko lang ay mapasaya ang taong mahal ko Mula sa kinailaliman ng aking puso ito ay totoo Sana'y malakbay ko ang iyong isipan Upang malaman ko ang tinatago mong nararamdaman Naniniwala akong may pag-ibig kang gustong ibahagi Aalagaan kita, wag ka lang matakot sa akin Sariling pagsalin mula sa ka...

Lilipad Tayo

Dahil hindi ka nawawala sa isip ko elepante, ito para sayo: Ngumiti ka lang at kumpleto na ang araw ko Kumikislap na mga mata mo'y tanaw ko sa malayo Liwanag ay iyong dala sa dating madilim na buhay ko Nagbibigay ningning sa mundo ng aking pagkatao Isa kang anghel na pinadala mula sa langit Upang ipaalala sa akin na ang buhay ay hindi lamang mapapait Kundi tamis din na tulad ng isang hinog na mangga At kending nagpapasaya sa mumunting mga bata Tayo na at lumipad sa mundong ibabaw Pag-ibig na natagpuan ko sa iyo'y umaapaw Ilipad mo ako sa hanging nag-aalis ng mga pangamba At tayo'y magpapadala sa agos ng ating tadhana Titig mong tumutunaw sa pader ng aking pagkabahala Tulad ng sinag ng araw na tumama sa nyebeng dambuhala Ika'y isang yerong nagpoprotekta sa akin Sa tuwing inuulan ako ng aking mga suliranin Pakiramdam ko'y nakakita ng isang diyamante Mula sa bundok na puno ng mga nananakot na higante Wari ko'y ano ba ang dahilang ng aking p...

Paano Ko Sasabihing Mahal Kita

Hindi ko alam kung paano Ngunit unang tingin ko palang sayo Nakuha mo kaagad ang puso ko Posible nga ba ang ganito? Labis ang aking tuwa nang ika'y makilala Problema'y di na alam at maalala Ikaw ang kulay sa mundo ko at musika Na nagsasabing masarap mabuhay dahil naryan ka Araw-araw lumalalim ang pagtingin ko sayo Pag-ibig na nga talaga ang tawag dito Mahirap man ipaliwanag 'to Pero alam ko ito ay totoo Paano ko ba sasabihing mahal kita Kung higit pa do'n ang aking nadarama Saan ko ba mahahanap ang kahulugan Kung ikaw palagi ang laman ng aking puso't isipan Hindi ko alam kung paano Landas natin kahit malayo ma'y pinagtagpo Milya ang inaabot ng aking puso Nang matagpuan nito ang tahanan sa puso mo Kay hirap pigilan ng bilis ng tibok ng puso ko Lalo't palaging sigaw nito ay ang pangalan mo Nababaliw na nga yata ako Hinahanap kita lagi sa tabi ko. Pangarap kita palagi kahit sa panaginip ko Mukha mo ay laging nagpipinta ng n...

Kahit Saan Man

Ito ay sarili ko lamang na pagsasalin sa kantang "Somewhere Down The Road" na nakabatay sa aking sariling interpretasyon. Nakakalungkot na kanta ngunit nagpapakita ng katatagan at tibay ng paniniwala sa pag-ibig. Positive! May pag-ibig tayong tama Sa maling pagkakataon Siguro noon pa alam ko na Di ka makakasama ng mahabang panahon Ang mga pangarap mo Nagniningning sa malayo Ngunit kung ika'y tinatawag na Wala akong karapatang pigilan ka Kahit saan balang araw Landas pa rin natin ay magtatagpo Hindi na mahalaga kung kailan Ngunit kahit saan man Alam kong ang puso mo'y magbabalik Hahanapin kung san niya ninanais Minsan ang paalam ay hindi magpakailanman Hindi na mahalaga na wala ka Pagkat naniniwala ako sa kung anong meron tayo Naiintindihan ko higit pa sa akala mo Kailangan mong umalis mag isa Upang makita mo mismo ang daan pauwi dito sa puso ko Kahit saan balang araw Landas pa rin natin ay magtatagpo Hindi na mahalaga kung kailan Ngu...

Oras Na Namamagitan

Sa oras na ako'y gumising ay siyang oras ng iyong pagtulog At kapag ika'y bumangon ay siya ring aking pagyakap sa kumot Oras na namamagitan ay hindi natin matatalo Sapagkat ako'y narito at ika'y nariyan sa malayo. Mahal ko, alam kong mahirap ang sitwasyon natin Pero sana'y walang magsawa't bumitaw sa atin Libong milya ang layo natin sa isa't-isa Ngunit puso natin ay magkadikit at laging magkasama. Minsan tayo'y nagtatalo sa maliliit lamang na mga bagay Subalit hanap ay lambing lamang ang pinagmulan ng away Kapag naging maayos naman tayo'y walang makakaawat Sa tamis ng ating pagmamahalang kahit sino'y magugulat. Araw-araw kong inaalala ating pinagsamahan Tinitingnan ang ngiting nasa ating mga larawan Kay saya nating pagmasdang lubos na nagmamahalan Na ngayo'y pinaglayo ng distansyang pumapagitan. Balang araw ikaw rin ay aking mayayakap Ngiti sa'yong pisngi, mata ko na mismo ang makakasulyap Kamay mo rin ay lagi nan...